Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Paglilipat ng buwan sa school opening bahala ang CHED, DepEd

$
0
0

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) ang pagdedesisyon kaugnay sa plano ng ilang eskuwelahan na ilipat at gawin sa buwan ng Agosto o Setyembre sa halip na tuwing buwan ng Hunyo ang pagbubukas ng klase.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ang dalawang institusyon na ito ang mas nakaaalam kung ano ang nararapat na panahon para sa mga estudyante sa panahon ng tag-ulan.

“Pinag-aaralan na nga ho ng CHED and we will defer to the position taken by CHED. Kasi iyong sa DepEd naman po, iba rin naman po iyong kanilang posisyon when it comes to moving and opening ng classes to September. Kasi iyong sinasabi nga po is rainy season, etcetera, para madaanan naman daw po natin. But these are proposals that are being studied by both institutions. So, hintayin po natin iyong magiging resulta ng kanilang mga pag-aaral,” ayon kay Usec. Valte.

Sinabi pa rin niya na kailangan na magkaroon ng hiwalay na desisyon ang DepEd dahil iba naman aniya ang sitwasyon ng mga estudyante sa grade school at high school kumpara sa college students.

Sa panig aniya ng Malakanyang ay sinabi ng opisyal na kailangan muna nitong hintayin ang magiging rekomendasyon ng DepEd at CHED para sa grade school, high school at college.

Sa ulat, nauna nang sinabi ni CHED chairperson Patricia Licuanan na maraming dapat na ikonsidera sa pagbabago ng academic calendar lalo na sa epekto nito sa umiiral na educational system sa bansa.

Aniya, bumuo na ang CHED ng technical working group na magsasagawa ng pag-aaral dahil sa tingin nito ay hindi pa handa ang alinmang unibersidad na magpatupad nito.

Kabilang sa mga pamantasang nagpasabi na sa CHED ukol sa balak na pagbubukas ng klase sa Setyembre, ang University of the Philippines (UP), Ateneo de Manila University (ADMU), De La Salle University (DLSU), University of Sto. Tomas (UST) at Adamson University (AdU) na sinasabing magbubukas ng klase sa Agosto sa susunod na school year.

Ang hakbang na ito ay bilang paghahanda sa economic integration ng Southeast Asia region sa 2015 para sabay-sabay na ang pagbubukas ng klase sa mga pamantasan sa mga bansang kasapi nito.

The post Paglilipat ng buwan sa school opening bahala ang CHED, DepEd appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>