Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Proyekto ng gobyerno, mapapabilis kahit walang SARO

$
0
0

MAS magiging mabilis ang pagsusulong ng mga pangunahing infrastructure projects na magbebenepisyo sa bansa kahit na tuluyang ibasura at alisin ang special allotment release orders (SAROs).

“It will be easier for them (agencies) to front-load projects, at least ideally within the first week of January, you can already award projects,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Sinabi ni Usec. Valte, sa kasalukuyang sistema na umiiral ay maaaring gawin agad ng ahensiya ang kanilang pre-procurement activities matapos aprubahan ang national budget at hindi hintayin pa ang ilang linggo para simulan ang proseso.

Sa unang linggo ng Enero aniya ay maaaring simulan ng ahensiya ang magpalabas ng notice of award.

Sa nagdaang taon aniya, ang mga ahensiya ng pamahalaan ay kailangang maghintay ng special allotment release orders o SAROs bago pa nila simulan ang pre-procurement process.

Ang SARO aniya ang nagsisilbing “green light” ng mga ahensiya para simulan ang kanilang proyekto.

Wala namang dapat na ipangamba ang publiko sa posibleng anomalyang pasukin ng mga tiwaling indibidwal dahil magiging transparent at responsable aniya ang mga government agency.

Bukod dito ay kailangang sundin ang legal process pagdating sa procurement, disbursement, at liquidation.

Daraan naman aniya ito sa audit at assessment ng Commission on Audit.

Sinabi pa rin niya na habang inalis na ng pamahalaan ang SAROs, ang special purpose funds at lump sum funds ay kailangan ang SARO para pagdalhan ng kanilang lump sum.

Binigyang halimbawa nito ang Calamity fund na nangangailangan ng SARO dahil may ilang criteria na mandato ng batas ang kinakailangan na matugunan bago pa mapagbigyan ang kahilingan.

Samantala, tiniyak naman ng Malakanyang na kasalukuyan nang nasa proseso ang Department of Budget and Management ng pag-computerize ng pagpapalabas ng SAROs para sa lump sum items upang mapabilis ang proseso.

The post Proyekto ng gobyerno, mapapabilis kahit walang SARO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan