WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para gawing ligal ang paggamit ng marijuana katulad ng ginawa ng ilang estado sa Amerika.
Ang katwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na ang marijuana ay kinukonsiderang ”prohibited substance” sa ilalim ng Dangerous Drugs Act ng Pilipinas.
“It is prohibited under the Dangerous Drugs Act. It will remain as such until Congress amends it otherwise,” ayon kay Usec. Valte.
Ang marijuana ay ginawang ligal sa Colorado sa Estados Unidos.
Binigyang diin ni Usec. Valte na kung sakali man na gawing ligal ang marijuana ay mananatili namang banned ang substance na ito sa bansa.
Sa ngayon, hindi matitinag ang Pilipinas na gawing ligal ang paggamit ng marijuana.
The post Pagsasaligal sa paggamit ng marijuana, ayaw ng Malakanyang appeared first on Remate.