Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Construction worker, inambus sa harapan ng bahay, patay

$
0
0

PATAY ang 37-anyos na construction worker nang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin habang nasa tapat lamang ang biktima ng kanyang inuupahang bahay kagabi sa Taguig City.

Dead on arrival sa Taguig Pateros District Hospital ang biktimang si Joselito Caseres, ng Block 3 Lot 4 SS Brigade, Brgy. Western Bicutan sanhi ng tama ng bala sa kanyang ulo.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na agad tumakas matapos ang pamamaslang sa biktima.

Sa ulat, alas-12 ng hatinggabi habang nasa tapat ng kanyang inuupahang tirahan ang biktima ay nilapitan ito ng suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ng hindi pa nabatid na kalibre ng baril sa ulo bago mabilis na tumakas.

Hinala ng pulisya na paghihiganti ang motibo sa nangyaring pamamaslang sa biktima makaraang matuklasan na lumipat lamang ng tirahan si Caseres upang takasan ang mga kaanak ng lalaking kanyang napaslang kamakailan.

Batay sa nakalap na impormasyon ng pulisya, napatay ni Caseres ang isang lalaking nambastos sa kanyang mga bisita noon pang 2011 kaya’t nagtago at nanirahan ito sa Brgy. Western Bicutan.

Dahil sa pangyayari, ilang ulit na nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay si Caseres na ipinadaraan sa kanyang ina.

Samantala, iniutos na ni Taguig police chief Senior Supt. Arthur Felix Asis ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa kaso habang lumutang din bilang testigo ang isang pamangkin ng napaslang na nakasaksi sa pangyayari.

The post Construction worker, inambus sa harapan ng bahay, patay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>