DAHIL sa sobrang kalasingan, nahulog ang isang lalaki sa kanyang sinasakyang traysikel sa Pangasinan kaninang madaling-araw, Disyembre 28.
Malaking putok sa ulo ang ikinamatay noon din ng biktimang si Roderick Ventanilla, 26, ng Poblacion, Lingayen.
Plano namang kasuhan ng pulisya ang tricycle driver na si Eugene Natividad, 44, may asawa at residente rin sa nasabing lugar.
Naganap ang insidente dakong 12:35 ng madaling araw sa isqang binisidad ng Alvear St., sa Lingayen.
Bago ito, nag-inuman ang driver at ang pasahero kasama ang isa pang kaibigan sa isang resto bar sa Barangay Libsong West.
Nang paalis na si Natividad, nakisakay si Ventanilla na parehong nasa impluwensya ng alak.
Pero habang tumatakbo na ang motorsiklo ni Natividad sa nasabing kalsada ay biglang nahulog ang pasaherong si Ventanilla.
The post Lasing nahulog sa traysikel, dedbol appeared first on Remate.