MASUWERTENG walang nasaktan na pasahero matapos magliyab ang JAM Liner bus habang nasa northbound lane ng South Luzon Expressway (SLEx) malapit sa Sta. Rosa exit sa Laguna kanina.
Sa kuha ng closed circuit television (CCTV) camera sa lugar, binabaybay ng bus ang lugar nang sumiklab ang apoy.
Unang nakita na umuusok ang bus alas-10:10 ng umaga at makalipas ng ilang minuto ay nagliyab na.
Bago pa man tuluyang magliyab, nagawa pa ng drayber na igilid sa outer lane ang bus para makababa ang mga pasahero.
Agad namang rumesponde ang mga bumbero mula Sta. Rosa -BFP at naapula ang apoy alas-11:00 ng umaga.
The post Bus nagliyab sa SLEx appeared first on Remate.