KUNDI pa nakatulog ang kidnappers sa kabila ng pagtanggap ng ransom money, hindi pa makakatakas ang kanilang binihag na Indian national sa Maguindanao.
Kaya sa ngayon, ang biktimang si Krishan Arora, 53, negosyante at residente ng Maguindanao ay nasa kustodiya na ng Suldan Naga Dimaporo police station at isinailalim sa police debriefing.
Ayon kay Arora, bagama’t ilan beses silang nagpalipat-lipat ng lugar hanggang sa umabot sila sa Lanao del Norte province ay hindi naman siya sinaktan ng mga suspek.
Inilatag na ang pagtugis laban sa mga suspek na nagtatago sa masukal na bahagi ng Lanao del Norte province.
Ayon naman kay Senior Inspector Jhunbert Dahili ng Suldan Naga Dimaporo Police Station, binihag ng mga armadong kalalakihan ang biktima noong Nobyembre 13 sa Maguindanao.
Sa pakikipag-negosasyon ng pamilya ng biktima, nakolekta ang mga suspek ng P200,000 na ransom money.
Pero sa hindi pa malamang dahilan ay hindi pinalaya ang biktima ng kidnappers at bagkus ay pinigil pa.
Sa inis nang hindi sumunod sa kanilang kasunduan, naghanap ng tiyempo ang biktima at sa kabutihang palad ay nakakita naman nang makatulog ang kanyang mga bantay.
The post Kidnappers nakatulog, bihag na banyaga, nakapuga appeared first on Remate.