NAPATAY sa bugbog ang isang presong may kasong rape at homicide nang balasahin ng kanyang dalawang kasamahang preso sa Zamboanga del Sur.
Kaninang umaga lamang nang madiskubre ng awtoridad na patay na ang biktimang si Livirato Aragon, 53.
Hindi naman nakapalag pa at nakatakdang sasampahan ng panibagong kaso ang mga presong sina Sadam Dumandos at Ronilo Floren dahil sila lamang ang kasama ng biktima nang maganap ang krimen.
Sa ulat, natuklasan ang insidente alas-11:30 kaninang umaga sa loob ng selda ng biktima sa Pagadian City Provincial Jail sa Zamboanga del Sur.
Bago ito, nagtataka ang mga jailguard kung bakit tanghali na ay hindi pa rin bumabangon ang biktima sa kanyang higaan.
Upang magising, niyugyog ang biktima pero hindi umimik kaya itinihaya ito at saka pa lang nilang nalaman na patay na.
Inaalam pa ng awtoridad ang dahilan kung bakit pinagtulungang bugbugin ng dalawang detainees ang biktima.
The post Presong rapist binalasa ng 2 kaselda, tigbak appeared first on Remate.