ISANG araw bago mag-Pasko ay inaprubahan ng Philippine National Police (PNP) ang kahilingan ni Janet Lim-Napoles na magkaroon ng mas mahabang oras para madalaw ng mga kaanak.
Papayagan nang mabisita si Napoles ng mga kaanak simula ala-1 ng hapon ngayong bisperas ng Pasko hanggang ala-1 ng madaling araw bukas, ganito rin ang magiging visiting hour sa kanya sa Disyembre 31 hanggang Enero 1, 2014.
Bawal naman ang pagdadala ng regalo at pagkain sa loob ng detention facility sa Fort Sto. Domingo.
The post Longer visiting hour kay Napoles pinagbigyan appeared first on Remate.