PATAY ang isang binata matapos pagsasaksakin ng kainuman nang awatin ng una na huwag munang magsiuwi habang nag-iinuman sa Valenzuela City, Martes ng madaling-araw, Disyembre 24.
Kinilala ang nasawi na si Ricardo Sacil, 30 ng Calle Onse St., Parada ng lungsod.
Nadakip naman si Anthony Cambiado, 24 ng Ilang-Ilang St., Karuhatan ng lungsod.
Sa ulat, alas-4 ng madaling araw, kainuman ng biktima ang suspek at ilang kalalakihan sa Feliza St., Parada nang sumigaw si Cambiado na uwian na.
Dahil hindi pa solve ay sinabihan ng biktima na huwag munang mag-uwian na ikinagalit ng suspek sabay bunot ng patalim at sinaksak ang una.
Kahit sugatan ay nagawang makatakbo ng biktima subalit hinabol ng suspek at nang sundan ng mga kainuman ay nakitang patay na ang una at maraming saksak sa katawan.
Sa follow-up operation ay nadakip ang suspek ng mga pulis.
The post Binata na ayaw paawat sa alak, patay sa saksak appeared first on Remate.