ITINAAS na sa alert level 3 ang krisis na nagaganap sa Sudan ayon na rin sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ani DFA Spokesperson Raul Hernandez, ito’y dahil na rin sa paglubha ng kaguluhan roon.
Sa alert level 3, umiiral na ang voluntary repatriation sa mga Pinoy sa Sudan na tinatayang nasa 95 at sasagutin ng pamahalaan ang pag-uwi nila sa bansa.
Nabatid na 23 na sa 95 Pinoy ang nakalabas na pa-Kenya habang 15 ang nakabiyahe na sa Uganda.
Ipinaiiral na rin ang deployment ban o pagbabawal sa overseas Filipino workers (OFWs) na magtungo sa Sudan.
The post Crisis alert level 3 itinaas sa Sudan appeared first on Remate.