KILALA na ang mga killer na umambus kina Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa at misis na si Leah at dalawang iba pa sa NAIA Terminal 3 nitong BIyernes.
Ani Justice Secretary Leila de Lima, natukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bumaril sa mga biktima.
Direktang tinukoy ng kalihim na droga at rido ang ilan sa mga motibo ng pagpatay sa alkalde at iba pang miyembro ng pamilya.
Kabilang sa drug syndicate na tinukoy ng kalihim ay ang Nandang-Afdal drug group na natukoy ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sinasabing pinamunuan nina dating Mayor Nasser Nandang at dating Mayor Abubakar Afdal Abdul Karim.
Pinangalanan naman ang isa sa suspek na si Marux Amblong, dating nagtrabaho sa lokal na pamahalaan at malapit kay dating Mayor Wilson “Kity” Nandang.
The post Killers sa NAIA-T3 ambush kilala na appeared first on Remate.