Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Konstruksiyon ng 43 health facilities kumpleto na

$
0
0

NAKUMPLETO na ng Department of Health (DOH) ang konstruksiyon ng may 43 health facilities na nagkakahalaga ng P27,672,135.74 at matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay DoH-NCR Director Eduardo C. Janairo, kabilang sa mga nakumpletong health centers sa ilalim ng Health Facility Enhancement Program (HFEP) ng DoH ay ang sa Malabon City kabilang ang Acacia, Maysilo, Muzon, Panghulo, San Agustin, Catmon, Longos, Niugan, Santulan, Ibaba, Potrero-Durian, Tonsuya, Baritan, Bayan-Bayanan, Concepcion, Hulong, Tañong, Tinajeros; Viente Reales Health center sa Valenzuela City; health centers sa Marikina City na kinabibilangan ng Jesus dela Peña, Sto. Niño, Sta. Elena, Kalumpang, Concepcion Uno, Concepcion Dos, Industrial Valley; Navotas Emergency and Lying-In Clinic; Bagong Silang at Zaniga health centers sa Mandaluyong City; Amparo, Baesa, Bagong Barrio Zone III, Bagong Silang Phase I, Bagong Silang Phase III, Barangay 118/120, Phase 10-A Bagong Silang, Phase 9 Lying-In Health (PHILRADS), Bagong Silang Phase II Main, Bo. San Jose, E. Rodriguez Jr., Francisco, Julian Felipe, Camarin, at 175 health centers sa Caloocan City.

Naniniwala si Janairo na sa tulong ng mga naturang inayos at pinagandang health facilities ay lalo pa nilang mapaghuhusay ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa publiko.

“We, in the DOH, continuous to make the best possible use of all the resources we have available in order to achieve the best health outcome for the residents of Metro Manila. That is why we are enhancing the quality of health services through the provision of improved and well-equipped health facilities that would cater to the greater majority of our residents in the community through HFEP,” ani Janairo.

“Having an improved primary health care center in the barangay can provide immediate care and treatment to patients without going to hospitals. Also, by enhancing primary care and preventive services including emergency medical services in the community, we can reduce health risks and even prevent deaths,” aniya pa.

Sa ilalim ng DOH-HFEP, ang mga government-owned at operated hospitals at health facilities ay ia-upgrade para mapalawak ang kapasidad at makapagbigay ng quality health services sa publiko.

Iginiit ni Janairo na ang pagtiyak na lahat ng tao ay may access sa pre-hospital care treatment ay mahalaga sa pagpapahusay ng kalusugan ng populasyon at pagkamit ng goal ng Universal Health Care.

Bukod naman sa mga naturang health facilities, ang 2013 DOH-NCR HFEP ay mayroon pa sa 20 on-going projects, pitong projects na nai-award sa mga bidder, 56 procurement projects, tatlong realignment at 13 iba pang proyekto na isinasailalim sa proseso para makumpleto.

Tiniyak naman ni Janairo na lahat ng HFEP projects para sa taong 2013 ay matatapos nila sa takdang panahon para makapag-deliver ng mas mabuting health services sa mga residente sa Metro Manila.

The post Konstruksiyon ng 43 health facilities kumpleto na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>