Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Barangay chairman sa Quezon, ex-rebel, huli sa paglabag sa gun ban

$
0
0

CAMP VICENTE LIM, CALAMBA CITY– Isang barangay chairman at dating rebelde ang kasalukuyang nasa locked-up jail matapos maaresto ng pulisya sa paglabag sa gun ban sa magkahiwalay na pangyayari sa mga bayan ng Dolores at Burdeos, parehong sa lalawigan ng Quezon noong nakaraang Sabado.

Kinilala ng bagong upong Calabarzon regional director Chief Supt. Benito Estipona ang mga naaresto na sina Barangay Chairman Danilo Tapalla, 52, ng Barangay Bayanihan, Bayan ng Dolores at Domingo Plaza, dating rebelde, ng Barangay Aluyon, Bayan ng Burdeos.

Ayon sa report na nakarating sa kanyang tanggapan, sinabi ni Calabarzon Police Public Information Officer Supt: Erwin Obale na si Tapalla ay nahuli ng mga nagrespondeng pulis matapos makatanggap ng sumbong sa negosyanteng si Robert Alvero ng Barangay Maligaya.

Sinabi niya na tinakot ni Tapalla si Alvero na kanya itong sasaktan sa pamamagitan ng baril sa hindi malamang kadahilanan dakong ika-7 ng gabi..

Dahil sa takot sa kanyang buhay, si Alvero ay dali-daling tumawag sa police station at humingi ng tulong, aniya.

Sinabi pa na ni Obale na dahil sa sumbong ay kumilos agad ang kapulisan at nagresponde ngunit si Tapalla ay agarang tumakas na nag-udyok na habulin ito ng mga pulis.

Aniya ng ito ay masukol, ang kapansin-pansing lasing na barangay chairman ay nanlaban ng bunutin nito ang kanyang baril at itinutok ito sa mga pulis ngunit nadakot ito ni PO1 John Iranzo.

Sa Burdeos naman, si Plaza na dating communist rebel ay nahuli ng pulisya matapos isumbong ng kanyang kapitbahay, na si Ana Fe Huerto dahil sa walang habas na pagpapaputok ng revolver apat na magkakasunod na beses sa tapat ng bahay ng babae sa Barangay Poblacion dakong ika-6:30 ng gabi.

Nang mahuli, isinuko ni Plaza ang isang homemade cal. 38 revolver at kutsilyo

Napag-alaman na si Plaza ay kapatid ni Glicerio Plaza, alias Ka Vergel na team leader ng New People’s Army’s Kilusang Sangay sa Platoon (KSPN) Balaraw. na kumikilos sa kabuuan ng Northern Quezon.

Sa kasagsagan ng imbestigasyon, sinabi ni Obale na sina Tapalla at Plaza ay nabigong magpakita ng gun ban exemption.

Ang dalawa ay kinasuhan ng paglabag sa Omnibus Election Code.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>