NASABAT ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Investigation Service ang P150 milyon halaga ng mga pekeng gamot at food supplements sa isinagawang raid sa Greenville Subdivision, Pasig City kanina.
Ayon kay NBI Deputy Director Ruel Lasala, isinagawa ang raid matapos ang ipinalabas na search warrant ng Manila Regional Trial Court (RTC).
Ilan sa mga pekeng gamot na nasabat ay ang paracetamol na Biogesic, Imodium at viagra.
The post P150M pekeng gamot at food supplements nasabat ng NBI appeared first on Remate.