Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2 pang kongresista pumalag sa utos ng COMELEC

$
0
0

PINABABAWI na ng dalawang kongresista ang anunsyo ng Commission on Elections na bakantehin ang kani-kanilang tanggapan dahil sa kabiguang makapaghain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Pumalag sina Ilocos Sur Rep. Ronald Singson at Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal sa ginawang anunsyo ng COMELEC na may 422 elected officials ang dapat magbakante sa kanilang tanggapan kabilang ang may 20 kongresista.

Iginiit ng dalawang mambabatas na kailangang i-rectify o itama ng COMELEC ang kanilang ginawa dahil nasisira ang pangalan ng mga opisyal na nakapagsumite naman ng SOCE.

Sinabi ni Oaminal na nagsumite siya noong June 13, 2013 at ang kanyang financial secretary ang naghain subalit muli siyang nagsumite noong June 28, 2013 matapos na sabihan siya ng COMELEC na siya mismo ang dapat na nakapirma.

Ayon naman kay Singson nakapag-file siya noong June 11, 2013 sa tanggapan ng COMELEC Provincial Office at noong June 16 din ay nakatanggap siya ng liham na nai-transmit na ang kanyang record sa COMELE Manila.

The post 2 pang kongresista pumalag sa utos ng COMELEC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>