BINUWELTAHAN ng Malakanyang si Senador Antonio “Sonny” Fuentes Trillanes IV na tila nananawagan sa publiko na mag-aklas laban sa power rate hike na ikinasa ng Manila Electric Co. (Meralco).
Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na hindi dapat nagpapadalos-dalos ng pananalita si Trillanes sa mga usaping katulad nito lalo pa’t kaanib siya ni Pangulong Benigno Aquino III sa Team PNoy.
“He (Sen. Trillanes) should not be so hasty in making general statements. I think he should appreciate the fact this government has managed to keep our prices within inflation…We also have monitoring of prices on a weekly basis from the Department of Trade and Industry. Don’t make general statements to that effect, give credit where it is due,” diing pahayag nito.
Bahala na si ERC Chairperson Zenaida Ducut na magdesisyon para sa kanyang sarili kung dapat na nga niyang bakantehin ang kanyang puwesto “out of delicadeza” dahil sa kawalan ng ginagawa sa mga ibinabatong pagkastigo ng publiko sa rate hike ng Meralco.
Personal na desisyon na aniya ni Ducut ang lisanin nito ang kanyang puwesto.
The post Malakanyang niresbakan si Trillanes appeared first on Remate.