MANANAGOT sa kasong plunder sina Agriculture Secretary Proceso Alcala at National Food Authority Administrator Orlan Calayag mastapos kasuhan ng Office of the Ombudsman (OMB).
Ayon sa OMB, kaugnay ito ng maanomalyang pag-angkat ng bigas sa Vietnam noong Mayo 2013.
Sa reklamo ni Atty. Argee Guevarra, overpriced ng P457.2 milyon ang inangkat na 205,700 metric tons ng bigas ng NFA.
Napilitan silang madaliin ang pagsasampa ng kaso laban kina Alcala at Calayag dahil may panibago na namang 500,000 metric tons ng bigas na inangkat ang DA.
Katwiran ng DA ay gagamitin ito upang punan ang winasak na suplay ng bigas ng bagyong Yolanda.
Gayunman, overpriced din ang nasabing inangkat na bigas.
The post Alcala, Calayag kinasuhan ng OMB appeared first on Remate.