SUMAKABILANG BUHAY na ang estudyanteng boxer matapos ma-comatose sa ginanap na Central Luzon Regional Athletic Association meet.
Kinumpirma mismo ni Education Asec. Tonisito Umali ang pagkamatay ni Jonas Joshua Garcia, 16.
Matatandaan na lumalaban si Garcia sa nasabing palaro nang mahilo at matumba sa second round ng laban.
Naisugod pa sa ospital ang biktima at na-comatose ng ilang araw bago pumanaw dahil sa internal hemorrhage.
Dahil sa insidente, posibleng alisin na ang combative sports katulad ng boxing, taekwondo at arnis sa mga susunod na athletic events ng DepEd.
The post Na-comatose na estudyanteng boxer pumanaw na appeared first on Remate.