UMAABOT na sa 6,057 ang naitalang namatay sa hagupit ng Bagyong Yolanda sa latest casualty figures na ipinalabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kaninang umaga.
Nasa 1,779 pa rin ang nawawala habang pumalo na sa 27, 468 ang mga nasugatan.
Nasa 16 million katao naman ang naapektuhan ng bagyo, 3.9 million ang nadisplaced habang mahigit 100,000 ang patuloy na nananatili sa evacuation centers.
Sinabi din ng opisyal na sa ngayon nasa 551,453 kabahayan ang totally destroyed habang 591,437 are partially damaged.
Nasa P7.2 million naman ang naitalang damage sa agrikultura habang ang damage sa infrastructure ay umabot na rin sa P14.48 million.
The post UPDATE: Patay kay ‘Yolanda’ 6,057 na appeared first on Remate.