PATAY ang isang lalaki matapos saksakin ng mangingisda makaraang makialam sa away ng huli sa kanyang nobya sa Lucena City.
Kinilala ang suspek na si Eugene Firme, ng Barangay Angeles, Atimonan, Quezon habang ang biktima ay si Alvarez Hernandez, ng Barangay Concepcion, Plaridel.
Una ang insidente ay nag-aaway ang suspek at kanyang girlfriend sa hindi malamang dahilan nang makialam ang biktima.
Sa asar ay bumunot ng itak ang suspek at sinaksak ang biktima bago tumakas.
The post Nakialam sa away ng magdyowa, sinaksak appeared first on Remate.