IPINAAALIS sa pwesto ni Comelec Chairman Sixto Brillantes ang may 422 kandidato kabilang ang 20 kongresista, apat na gobernador at 26 alkalde makaraang hindi makasunod sa inatas na requirement ng nasabing ahensiya.
Ani Brillantes, hindi nagpasa ng SOCE ang mga nanalong kandidato sa loob ng isang buwan matapos ang eleksyon bukod pa sa pagpirma at maling paggamit ng form.
Ang Kongreso at Department of the Interior and Local Government (DILG) naman ang magpapatupad ng utos ng Comelec.
Ayon kay Brillantes, maaari pa namang makabalik sa pwesto ang mga nanalong kandidato kung maghahain sila ng tamang SOCE na may karampatan nang administrative fine.
The post 20 kongresista, 4 gobernador at 26 alkalde pinabababa sa pwesto appeared first on Remate.