Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

27th SEA Games binuksan na sa Myanmar

$
0
0

PORMAL nang nagbukas ang 27th Southeast Asian Games sa pamamagitan ng engrandeng seremonya sa Wunna Theikdi Stadium, Miyerkules.

Pinangunahan ng Myanmar ang programa bilang host country ngayong taon sa temang “Green, Clean and Friendship.”

Sa umpisa ng programa, sinalubong ng magarbong paputok ang pagdating ni Myanmar President U Thein Sein, misis na si Daw Khin Khin Win at iba pang guests.

Biglang dumilim sa stadium at pumwesto ang nasa 12,000 bata sa gitna na bumuo ng numero para sa opisyal na countdown.

Sinundan ito ng flag-raising ceremony kung saan iniangat ang bandila ng Myanmar, bandila ng SEA Games Federation at bandila ng 27th SEA Games habang pinatutugtog ang official theme song ng SEA Games na “Colorful Garden.”

Pumarada ang mga kinatawan ng 11 bansa na binubuo ng Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand, Timor Leste, Vietnam at Myanmar.

Bitbit ng two-time SEA Games wrestling gold medalist na si Jason Balabal ang bandila ng Pilipinas at nakasuot ng native Ifugao costume kasunod ang mga atletang Pinoy.

Bago pa man ang pormal na pagbubukas ng palaro, may ilan nang event ang isinagawa.

Kaya sa huling medal tally kaninang umaga, nangunguna ang Myanmar na may 18 gold, 8 silver, 10 bronze habang ang Pilipinas ay nasa ika-anim pa ring pwesto na may 3 gold, 5 silver at 3 bronze.

Inaasahang matapos ang SEA Games sa Disyembre 22, Linggo.

Mahigit apat na dekada na ang nakalipas nang hawakan ng Myanmar na may dating pangalang Burma ang SEA Games na ginaganap tuwing dalawang taon.

Singapore ang magiging host sa 2015.

The post 27th SEA Games binuksan na sa Myanmar appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>