Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pacquiao hindi American citizen

$
0
0

HINDI isang US citizen si Sarangani Rep. at Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Ito ang kinumpirma ni Navotas Rep. at UNA Secretary General Toby Tiangco matapos mapaulat sa isang online news na si Pacman ay green card holder.

Sa isang press conference, nilinaw ni Tiangco na P-1 visa lang ang pinanghahawakan ng pambansang kamao o iyong ipinagkakaloob sa mga dayuhang atleta na pumapasok sa Estados Unidos para lumahok sa kompetisyon.

Iginiit ng kongresista na kung US greencard holder si Pacquiao ay kailangan nitong magbayad ng buwis sa Amerika sa lahat ng laban nito saan mang bansa ganapin.

Samantalang sa P1-visa anya ay nagbabayad lang ito ng buwis sa bansa kung saan ito lumalaban.

Dati pang itinanggi ni Pacquiao na green card holder siya pero sinisilip sa blog post kung bakit hindi maipakita nang buo ng kongresista ang kopya ng kanyang US tax  returns para sa taong 2008 at 2009.

The post Pacquiao hindi American citizen appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>