Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bilyong lugi ng gobyerno sa importasyon ng sasakyan nabulgar

$
0
0

NABULGAR sa Kamara ang lugi na bilyong piso ng gobyerno dahil sa kabiguan ng mga kompanyang nag-importa ng mga heavy equipment na magdeklara at magbayad ng tamang buwis.

Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, nadiskubre na hindi lamang ang Good Morning International Corporation (GMIC) na opisyal na distributor ng heavy equipment na Hyundai at Daewoo trucks sa Pilipinas ang hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Sinimulan ng Kamara ang mas malawak na imbestigasyon, matapos maghain ng House Resolution 286 si Caloocan Rep. Edgar Erice ukol sa iniulat ng Equipment Research Group  (ERG) na mayroong 251 piraso ng Hyundai heavy equipment noong 2010 at 248 noong 2011 na in-import ang GMIC at kumita ng P528 milyon at mahigit sa P750 milyon sa nasabing mga taon.

Ngunit nakapanlulumo na hindi tugma sa idineklarang kita ng GMIC sa BIR dahil tanging P145 milyon  lang at P131 milyon ang idineklara nito para sa mga taong 2010 at 2011.

Nadiskubre rin sa pagdinig ang ibang kwestyunableng importasyon gaya ng pinirmahang Customs declaration form na nagsasaad na ang ibang piraso ng Hyundai equipment ay in-import ng third parties tulad ng Global View Enterprises at Transpartner  Enterprises and trading supplies company kaya kahit isang truck ay walang idineklara ang GMIC mula buwan ng Enero hanggang Mayo 2013.

Iginiit ni Erice na malinaw na paglabag sa tariff and customs code  at National Internal Revenue Code ang ginagawa ng nasabing kumpanya subalit dapat din imbestigahan ang BOC dahil tiyak na mayroong kasabwat mula dito ang GMIC.

Sinabi ni Erice ang ulat ng ERG na ang Volvo ay nag-importa rin sa bansa ng P1.7 bilyong halaga ng  heavy equipment subalit nagdeklara lamang ng P529 milyong benta.

The post Bilyong lugi ng gobyerno sa importasyon ng sasakyan nabulgar appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan