MULING nag-alburoto ang bulkang Taal matapos makapagtala ng dalawang volcanic earthquakes sa nakalipas na 24-oras kaninang umaga, Disyembre 9, 2013.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) patuloy na nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Taal dahil sa banta ng pagsabog ng bulkan.
Sinabi pa ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit ng publiko malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog bunsod ng mataas na konsentrasyon ng toxic gases ng bulkan.
Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na ang buong bulkang Taal ay nananatiling Permanent Danger Zone (PDZ) at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng bahay malapit sa bulkan.
Ang bulkang Taal ay itinuturing na active volcano dahil sa mga nakalipas na pag-aalburoto nito.
The post Bulkang Taal muling nag-alburoto appeared first on Remate.