Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bobcats kinalawit ang Sixers

$
0
0

ANIM na players ang umiskor ng double-digits sa Charlotte Bobcats upang kalmutin ang Philadelphia 76ers, 105-88 kanina sa 2013-14 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Tinapatan ni Jeffrey Taylor ang kanyang career high 20 points upang pagandahin bahagya ang standing ng Bobcats sa 9-11 win-loss card.

Kumalawit ng tig 18 pts. sina Gerald Henderson at Kemba Walker para sa Charlotte upang ilaglag ang Sixers sa 7-13 record.

May injury ang shooting forward ng Bobcats na si Michael Kidd-Gilchrist kaya naman tumikada agad ng siyam sa unang 22 puntos ng Charlotte si Taylor.

Bumira rin ng season-high 10 assists si Walker.

May kinana rin sina center Al Jefferson, Ramon Sessions at Cody Zeller na 14, 13 at 10 markers ayon sa pagkakahilera.

Nanguna sa Philadelphia si Tony Wroten na may 21 points, nagdagdag si Evan Turner ng 16 pts., may 12 si Hollis Thompson at 10 puntos at 13 rebounds ang tinapos ni Spencer Hawes.

Naglalaro ang Sixers na wala ang kanilang pambatong point guard na si Michael Carter-Williams na nag-a-average ng 17.7 points.

Dahil sa sore right knee kaya hindi nakapaglaro si Rookie Carter-Williams.

Sa ibang kaganapan, nilugmok ng Milwaukkee Bucks ang Washington Wizards sa overtime game, 109-105 habang dinagit ng Atlanta Hawks ang Cleveland Cavaliers, 108-89.

The post Bobcats kinalawit ang Sixers appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>