NAKATAKDANG magpalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.06 billion para tustusan ang rehabilitation at recovery of infrastructure sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Pablo sa buong Pilipinas.
Ang nasabing halaga ay diretsong ipalalabas ng DBM sa Department of Public Works and Highways (DPWH), na agad namang gagamitin para sa reconstruction at pagkumpuni sa ilang tulay sa Compostela Valley at Davao Oriental sa ilalim ng Task Force Pablo Rehabilitation Plan ng DPWH na sinusuportahan ang reconstruction at rehabilitation ng mga nasirang pangunahing lansangan at tulay na mapanganib sa economic development ng mga naapektuhang lugar.
Sa kabuuang halaga na huhugutin sa 2013 DPWH Budget ang P517.4 million ay ilalaan sa reconstruction at repair ng Caraga, Cateel, Taytayan, at Odiongan bridges sa mga daan na mag-i-span sa Surigao del Sur-Davao Oriental at Cateel-Compostela.
Samantala, ang P543.0 million ay gagamitin naman sa rehabilitasyon ng Mayo, Manurigao, Dapnan, Casauman, Quinonoan, at Baguan bridges, na magko-konekta sa Surigao del Sur at Davao Oriental Coastal Road.
Nito lamang Setyembre ng taong kasalukuyan ay inaprubahan ang P10.53 billion para sa Task Force Pablo Rehabilitation Plan.
Sa kasalukuyan, nagpalabas na ang DBM ng P8.49 billion sa National Housing Authority at Department of Social Welfare and Development.
The post P1.1-B sa ‘Pablo’ reconstruction efforts – DBM appeared first on Remate.