NAKAKASA na ngayong araw ang pagbubukas ng tent city sa South Road Properties (SRP) sa lungsod ng Cebu na magiging pansamantalang tirahan ng mga lumikas na survivors ng bagyong Yolanda mula Samar at Leyte.
Tinatayang aabot sa 50 pamilya ang mabibigyan ng pagkakataon na pansamantalang manirahan sa tent city hanggang sa tuluyan na silang makabangon.
Ang tent city ay nilagyan ng apat na common toilets, isang cooking area, dining area, meeting hall, clinic, office at playground at libre rin ang kuryente at tubig upang hindi na mahirapan ang mga transient.
Napag-alaman na oobserbahan muna ito sa loob ng ilang linggo at karagdagang tents ang itatayo kung ito ay magiging matagumpay upang maka-accomodate pa ng mas maraming biktima.
Samantala, pormal namang sisimulan ngayong araw ang rehabilitation program ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Cebu para sa muling pagsasaayos ng mga nasira ng malakas na bagyo.
Una rito, naglaan ng P6 million ang provincial government para sa rehabilitasyon ng kabuuang P395 million na pinsala sa agrikultura na iniwan ng bagyo.
The post Tent City sa Cebu bubuksan ngayong araw appeared first on Remate.