LIGTAS inumin ang tubig sa gripo na tumatagas sa mga kalsada na hinagupit ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.
Ito ang tiniyak ng Department of Health (DOH) matapos dumaan sa water sampling at nalagyan na ng chlorine ang mga tubig na dumadaloy sa mga gripo sa nabanggit na lugar.
Kabilang sa mga lugar na tinukoy ng DOH na naapektuhan ng bagyo ang Leyte, Eastern Samar, Western Samar at Biliran province.
Pinayuhan naman ni Dr. Eric Tayag ang mga residente na uminom muna ng distilled, purified o mineral water sakaling makitang malabo ang dumadaloy na tubig sa kanilang gripo o pipe line.
Mas mainam din aniyang pakuluan ang tubig bago inumin.
Patuloy naman ang ginagawang pagsusuri ng DOH sa tubig sa buong rehiyon.
The post Tubig na galing sa tumatagas na gripo ligtas inumin appeared first on Remate.