NAGSASAGAWA na ng malalim na imbestigasyon ang pamunuan ng Taguig City Police kaugnay sa natagpuang tatlong bangkay ng lalaki sa loob ng isang container truck van, kagabi, Nobyembre 30.
Sa ulat, ang mga bangkay ay nadiskubre ng isang Christopher Navarro, may-ari ng van (XCP 760) nabang nakaparada sa Sta. Maria drive, Tibacal compound, Bagumbayan, nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, ang bangkay ng tatlong ‘di pa kilalang biktima ay pawang nakatali ang paa at kamay, may tama ng bala sa ulo at saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa pahayag ni Navarro, alas-8:00 kagabi nang buksan niya ang van upang kumuha ng karton para gawing sahig sa kanyang tutulugan nang makita ang mga bangkay.
The post Bangkay ng 3 kelot natagpuan sa loob ng van appeared first on Remate.