Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mga tulay sa Bohol nagawa na

$
0
0

BUKAS na ang dalawang pangunahing tulay sa Bohol sa Central Visayas na sinira ng malakas na lindol noong Oktubre 15, 2013.

Nanumbalik na ang trapiko partikular ang koneksyon ng Tagbilaran sa mga bayan ng Maribojoc at Cortes, Bohol matapos maitayo noong Nobyembre 23, 2013 ang 120 lineal meter na modular steel bridge bilang pansamantalang kahalili sa nasirang Abatan Bridge sa Tagbilaran North Road.

Minadaling tapusin ng DPWH ang agarang konstruksyon ng Abatan Bridge sa pamamagitan ng paglalagay ng modular steel bridge at approaches gamit ang P4.1 million na buhat sa pondo ng pamahalaan sa ilalim ng Disaster Related Rehabilitation Projects na nakapaloob sa 2013 National Budget samantalang ang mga ginamit na modular steel ay nagkakahalaga naman ng P63.4 milyon.

Nasubok ang katatagan ng bagong tayong temporary replacement bridge na nabuksan sa trapiko noong Nobyembre 23, 2013 matapos manatiling matatag sa kabila ng aftershocks na naranasan sa Bohol na may lakas na 4.0 hanggang 6.0 magnitude gayundin ang nakalipas na dalawang bagyong “Yolanda” at “Zoraida”.

Matapos na mag-collapse ang dalawa (2) sa anim (6) na spans at isa (1) sa limang (5) piers ng old Abatan Bridge bunsod nang mapaminsalang lindol, nagsagawa ang DPWH ng geotechnical investigation/soil exploration para sa pagtatayo ng bagong permanent bridge na nakatakdang pasimulan sa Abril 2014 at matatapos sa Setyembre 2014.

Noong masira naman ang abutments, pier at approaches ng Tagbuane Bridge sa may Tagbilaran East Road, nagtayo ang DPWH ng kahalintulad na modular steel bridge na may habang 39 lineal meter bilang temporary replacement upang muling mapag-ugnay ang Tagbilaran sa Loay at Alburquerque, Bohol na kung saan mula nang ito ay buksan noong Nobyembre 5, 2013 ay napanumbalik ang pagbibiyahe ng mga tao, kalakal at serbisyo mula Tagbilaran City patungong Port of Jagna.

Nakatakda ring gawin ng DPWH ang permanenteng Tagbuane Bridge sa Abril 2014 matapos maisakatuparan ang detailed engineering na inaasahang makukumpleto sa Marso 2014.

Tatlo (3) pang pangunahing tulay sa Tagbilaran North Road na kinabibilangan ng Moalong Bridge sa Loon, at Tultugan at Desamparados Bridges  sa Calape ang inaasahang bubuksan sa motorista sa unang (first) linggo ng Disyembre 2013 kung saan puspusan ang paglalagay ng temporary steel bridging components habang ganap na naitayo ang H-Pile base support ng istraktura.

The post Mga tulay sa Bohol nagawa na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>