HINOSTAGE ng 27-anyos na ama ang kanyang asawa, tatay, dalawang kapatid at pamangkin matapos maburyong sa Tondo, Maynila kaninang umaga.
Maagap namang nakaresponde ang barangay sa pamumuno ni Barangay Chairman Rudy Cruz, ng Brgy. 209 Zone 13, at ang pulisya kaya naaresto ang suspek na si Rizaldy Garay, ng 2631 Severino Reyes St., Tondo, Manila.
Ayon kay Chief Supt. Roderick Mariano, hepe ng MPD-Station 7, alas-9 ng umaga kanina nang naganap ang hostage sa loob ng bahay ng suspek.
Bago ang pangho-hostage, nabatid na nag-away ang suspek at asawa nitong si Merlinda Bacani dahil sa problema sa kanilang pamilya.
Hinihinalang naburyong ang biktima at dahil armado ng patalim ay hinostage nito ang kanyang asawa, tatay na si Gerry, mga kapatid na sina Ramil at Raymund, ang kanyang 2-anyos na pamangkin na si Rose Jane Parungao at Renwin Parungao, 5.
Wala namang nasaktan sa mga biktima.
The post Kelot naburyong, tatay, misis at utol hinostage appeared first on Remate.