UMABOT na sa 5,598 ang kumpirmadong patay kaugnay ng pananalasa ng super typhoon Yolanda.
Abot naman sa P27.8 bilyon ang naitalang halaga ng pinsala nito.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), huling nadagdag sa death toll ang 15 bangkay na narekober sa Tacloban at 23 mula Estancia, Iloilo.
Abot naman sa 26,136 ang sugatan habang nasa 1,759 ang nawawala.
Sinabi rin ng NDRRMC na umakyat na sa P27.83 bilyon ang naitalang halaga ng pinsala ng bagyo sa bansa; P12.283 bilyon dito ay sa agrikultura at P15.556 bilyon sa imprastraktura.
Umaabot na ngayon sa P630 milyon ang halaga ng ayudang naipaabot ng pamahalaan sa mga binagyo.
Kabuuang 2,008,856 food packs naman ang naipamigay na ng DSWD at aabot sa 234,244 food biscuits na rin ang naipamahagi.
The post UPDATE: Death toll sa ‘Yolanda’ 5598 na appeared first on Remate.