MAYROON nang authority to contract na ipinalabas ang pamahalaang lungsod ng Tacloban para sa pagtatayo ng karagdagang 64 bunkhouses sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.
Kaugnay nito, iinspeksyunin na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lugar na posibleng pagtayuan ng bunkhouses
Ayon kay DPWH Region 8 Director Rolando Asis kay DPWH Secretary Rogelio Singson, ipinalabas noong Nobyembre 26, 2013 ang nasabing authority to contract ng Tacloban.
Maaari umanong maging temporary shelter ng 1,536 na apektadong pamilya ang nasabing bunkhouses.
Ang 36 bunkhouses units ay planong itayo sa dalawang ektaryang lawak na lupain sa Motocross Area sa Daang Maharlika.
Kalahating ektaryang lupain naman sa Children’s Park ang inireserba para sa sampung bunkhouses, habang isang ektaryang lupain naman ang inilaan sa National Housing Authority Area para sa pagtatayo ng 18 bunkhouse units para sa 432 pamilya.
Pangunahing konsiderasyon ng DPWH sa gagawing pag-iinspeksyon ay ang kaligtasan at accessibility ng lugar.
The post Pagtatayuan ng bunkhouses sa Tacloban iinspeksyunin na appeared first on Remate.