NAKAPUWESTO na ang mga warplane ng China sa idineklara nitong air defense zone sa pinag-aagawang mga isla ng Japan at South Korea sa East China Sea.
Ang warplanes sa air defense zone ay kasunod ng kumpirmasyon ng Amerika, Tokyo at Seoul na nagpalipad sila ng military planes sa nasabing airspace na hindi ipinaaalam sa Beijing pero wala naman umanong resistance.
Ayon kay Chinese air force spokesman Shen Jinke, ang pagpapadala nila ng mga fighter jets at warning aircrafts sa inaangking airspace ay “defensive measure” lamang.
Bagama’t regular na magpapatrolya ang naturang mga eroplano.
Nabatid na mistulang kinantiyawan ng international community ang China kasunod ng military flights ng US, Japan at South Korea sa air defense zone dahil taliwas ito sa ipinalabas na guidelines ng Beijing na kailangang ipagbigay alam muna sa kanila ang flight plan ng mga eroplanong dadaan sa kontrobersyal na airspace.
Ang pagdeklara ng air defense zone sa East China Sea ay una nang binatikos ng Estados Unidos at inalmahan ng Japan at South Korea dahil lalo lang itong magpapalala sa tensyon sa rehiyon.
The post Warplanes ipinuwesto na ng China appeared first on Remate.