INIHABLA ng isang lola ang 18-anyos na bagets makaraang tangka siyang gahasain sa Mulanay, Quezon ayon sa ulat ng awtoridad.
Ayon sa reklamo ng 59-anyos na lola na itinago sa pangalang Claring, alas-10:00 kagabi nang harasin siya ng suspek na si Christian Pardilla Arida habang lango sa alak.
Hinila aniya siya ng suspek sa madilim na bahagi ng lugar, pinaghahawakan sa maseselang parte ng katawan at muntik pang mahubaran ng kanyang damit.
Hindi naman natuloy ang tangkang panggagahasa ng salarin nang magsisigaw ang biktima at tuluyang makahulagpos sa una.
The post Lola tangkang lurayin ng bagets sa Quezon appeared first on Remate.