UMABOT na sa 23 bansa ang nagpalabas ng travel warning para sa kanilang mga mamamayan na magtungo o silang nasa Thailand na.
Ito ay dahil na rin sa apat na araw nang pagsiklab ng kilos protesta laban sa pamamahala ni Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra.
Kabilang sa 23 bansa na nag-abiso sa kanilang mamamayan ang Amerika, Gran Britanya at Canada na partikular na pinaiiwasan ang pagtungo sa Bangkok na mainit ang kilos protesta matapos patuloy ang tangkang pagkubkob sa government buildings sa layong paralisahin ang gobyerno ni Shinawatra.
Kanina ay napilitang lumikas ang Department of Special Investigations (DSI), na top crime agency sa Thailand, matapos palibutan ng daan-daang nagpoprotesta.
Ipinatutupad na rin sa bansa ang maximum tolerance sa mga nagpoprotesta.
Bukas ay haharap sa no-confidence vote si Prime Minister Shinawatra na magdedetermina kung mayroon pa rin siyang suporta ng parliyamento o mapatalsik na sa puwesto.
The post Travel warnings sa Thailand inilabas ng 23 bansa appeared first on Remate.