IPINANGGAGARANTIYA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang bahay ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa Forbes Park, Makati City sa kanyang kinahaharap na P2.2 billion tax case.
Ito ang kinumpirma ni Internal Revenue Commissioner Kim Henares kasunod ng inilatag na garnishment order na ipinalabas ng BIR laban sa boksingero na ang ibig sabihin ay naka-hold ang mga pera ni Pacquiao sa bangko hangga’t hindi nalulutas ang kaso.
Nang matanong kung maaaring upahan ni Pacman ang bahay, sinabi ng komisyoner na “Renting it is no problem. Selling it, he can. The only problem is whoever buys it, buys it with that lien on the property. (The buyer) should be aware there is a lien on that property. But (Pacquiao) can still sell it if he wants.”
Binili ni Pacquiao noong 2011 ang mamahaling bahay sa North Forbes Park sa halagang P388 milyon.
Saklaw ang interes at surcharge, aabot sa P2.2 bilyon ang buwis na hinahabol ng BIR sa Pinoy boxing icon na nag-ugat sa pagkabigo niyang magsumite ng kopya ng tax papers mula sa Internal Revenue Service ng Amerika, na pinagbayaran nito ng buwis.
The post P388M bahay ni Pacman sa Forbes Park, ipinanggarantiya sa tax suits appeared first on Remate.