KAHIT pa nakadeklara pa rin ang national state of calamity dahil na rin sa pananalasa ng bagyong Yolanda ay may payo ang mga supermarket owner sa consumers.
Ayon sa kanila kung may pambili na rin naman ay mainam kung mamili na ng pang-Noche Buena nang hindi na maabutan ng pagtaas ng presyo nito sa merkado.
Lumalabas na pagdating ng Disyembre 16 ay posibleng tumaas ang presyo ng mga bilihing pang-Pasko ngunit nilinaw naman ng supermarket owners na pasok pa rin sa SRP na itinatakda ng DTI.
Bukod sa discount sa maagang pamimili ay makakaiwas pa ang mga consumer sa abala dahil sa traffic at mahabang pila sa counter.
The post Mamili na ng pang-Noche Buena – Supermarket owners appeared first on Remate.