Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Freeze order vs bank deposits pinalagan ni Pacman

$
0
0

PINALAGAN ni Sarangani Rep. Emmanuel “Manny” D. Pacquiao ang inilabas na kautusan ng Court of Tax Appeals na pumipigil sa kanyang bank deposits dahil sa  P2.2 bilyon tax case.

Sa kanyang press statement, sinabi ni Pacman na foul ang kautusang ito sa gitna ng kanyang balakin na pagpapadala ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.

“Matagal ko nang gustong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo at lindol, pero ako po ay hinabla ng BIR ng P2.2 billion tax case na walang kabase-base at ang aking mga pera sa bangko ay ginarnish ng BIR,” paliwanag ni Pacquiao.

“Hindi ako makapag-withdraw ni isang singkong sentimo sa sarili ko pong pera, hindi ko magamit para man lang makatulong. Ang pera kong ginarnish ng BIR ay hindi po nakaw at hindi po PDAF o DAP, ito po ay galing sa lahat ng suntok, bugbog, pawis at dugo na tiniis ko sa boxing,” dagdag pa ng kongresista.

Kinukuwestyon din ng mambabatas ang motibo ng BIR para ipaghabla siya gayong nakapagsumite na ang kanyang kampo ng  hinihinging tax requirements at impormasyon ukol dito.

“The BIR claims I earned more than what I actually did, without any evidence to back it up. They ignored information given by Top Rank and HBO and insisted I have earned more.  My lawyers have given them all the info that they want and they still refuse to believe. I really don’t know why I am being singled out.”

Sa ngayon ay kumikilos na aniya ang kanyang mga abogado upang tugunin sa aspetong ligal ang desisyon ng korte upang magamit niya ang kanyang pera sa pagtulong sa mga nangangailangan sa Kabisayaan.

Sa ngayon ay abala ang pambansang Kamao sa paghahanda ng isasagawang relief operations para sa biktima ng kalamidad kung saan una niyang nais na dalawin ang Tacloban.

The post Freeze order vs bank deposits pinalagan ni Pacman appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>