UMAABOT sa 13 katao ang patay sa winter storm na humahagupit ngayon sa mga estado sa southwest America.
Karamihan sa mga namatay ay bunsod ng aksidente sa lansangan na balot ng snow.
Kabilang sa mga estadong balot ng snow at nakararanas ng baha ay ang Oklahoma, Texas, California, New Mexico at Arizona.
Sa Dallas-Fort Worth International Airport, nasa 300 na flights ng eroplano na ang kinansela bunsod ng hindi magandang panahon.
Ayon kay National Weather Service meteorologist Tom Bradshaw, maaapektuhan nito ang pagbiyahe ng mga mamamayan sa US na karamihan ay nagsisipag-uwian para sa Thanksgiving holiday sa Estados Unidos.
Daan-daang aksidente sa daan na ang naitala bunsod ng makapal na yelong nakabalot sa mga lansangan.
The post Winter storm sa southwest US, 13 nalagas; 300 flights, nakansela appeared first on Remate.