MAPAPANONOOD din ng libre ng Philippine Army sa loob ng kanilang kampo sa Fort Bonifacio sa Taguig City ngayong araw ang Pacquiao–Rios fight.
Ayon kay Army spokesman Cpt. Anthony Bacus, naging tradisyon at nakaugalian na ng Army na magkaroon ng free screening sa bawat laban ni Pacquiao nang sa gayon ay makapanood ang kanilang mga sundalo kasama ang kanilang mga pamilya.
Tatlong wide screens ang naka-set up sa tatlong lokasyon sa loob ng kampo: isa sa Army General Hospital’s (AGH) Multi-purpose Hall, Philippine Army Officers Club House, at sa NCO Club House.
Ayon kay Bacus, bibigyan nila ng prayoridad ang mga battle-casualty soldiers na naka-confine sa hospital at patuloy na nagpapagaling.
Si Pacquiao ay isang Army reservist, na patuloy sa pagbibigay ng inspirasyon sa kapwa sundalo.
Noong April 27, 2006 nang ma-enlist si Pacquiao sa Reserve Force ng Philippine Army sa ranggo na Sergeant.
At dahil sa patuloy na pamamayagpag sa larangan ng boxing si Pacman ay na-promote sa ranggo na Lieutenant Colonel at kasalukuyang Executive Officer ng 1st Sarangani Ready Reserve Battalion.
The post Army may ‘free viewing’ sa Pacquiao–Rios fight appeared first on Remate.