Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Maguindanao massacre reresolbahin bago matapos ang termino ni PNoy

$
0
0

GINAGAWA ng pamahalaan ang lahat ng makakaya upang resolbahin hanggang tuluyang tuldukan ang Maguindanao massacre case bago pa matapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III sa 2016.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma Jr. na sa panig ng executive branch ay nais nilang mabigyan na agad ng katarungan ang mga pamilya ng nabiktima ng Maguindanao massacre.

“Sana nga po ay mas mabilis kaysa sa mas matagal. At ginagawa po talaga ng ating administrasyon ang lahat sa abot ng makakaya nito and within the scope of the Executive branch’s jurisdiction at iyon po ay iyong sa investigative at prosecutorial aspects. Kung tungkol po sa process itself, sakop po ito ng rules of court at iyong rules of court naman po ay hindi na po sa Executive branch and pagbabago nito,” aniya pa rin.

Pinalagan naman ni Sec. Coloma ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque na “tinraydor” ng pamahalaan ang mga pamilya ng nabiktima ng Maguindanao massacre dahil sa mabagal na takbo ng kaso.

Binigyang diin ni Sec. Coloma na hindi nila kailanman ikinatuwa na tumagal ang prosesong paghimay at paglilitis sa mga sangkot sa kaso.

“Pansinin din po natin. Itong kasong ito involves an unprecedented number of accused and unprecedented number of witnesses and unprecedented number of motions being filed by a large number of lawyers; kabi-kabila pong motions. Lahat po ito ay pinoproseso ng ating criminal justice system, pinoproseso ng ating Judiciary, at kinikilala naman po natin iyong separation of powers. Hindi pupuwedeng panghimasukan ng Ehekutibo iyong judicial process. Kaya nga po ang ginagawa ng pamahalaan iyong sakop ng kanyang kapangyarihan. That is why I emphasized that we are working on improving the investigative and prosecutorial processes,” aniya pa rin.

At bilang kaisa aniya ang pamahalaan ng mga pamilya ng nabiktima ng Maguindanao massacre ay sinabi ni Sec. Coloma na nais nilang maamyendahan ang  Witness Protection Program; mapalakas ito para sa mga witness sa nasabing krimen at mas mapangalagaan pa ng mas mahusay ang mga testigo.

Bukod dito ay gusto rin aniya nila na maipasa ang whistleblower’s bill para sa mga nagsisiwalat ng krimen o anomalya upang sa gayon ay magkaroon ng sapat na proteksyon at pagkilala.

The post Maguindanao massacre reresolbahin bago matapos ang termino ni PNoy appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>