PITONG malalaking proyekto na umabot sa P184.2 bilyon ang inaprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III sa ginanap na National Economic and Development Authority (NEDA) Board meeting na idinaos sa Aguinaldo State Dining Room, sa Malakanyang kanina.
Una sa inaprubahang proyekto ang LRT Line 1 South Extension Project na may kabuuang halaga na P64.9 bilyon.
Ang proyekto ay para sa ekstensyon ng umiiral na LRT Line 1 South.
Sa kasalukuyan ang Line 1 ay sumasakop sa 21 stations mula Roosevelt Avenue hanggang Monumento (north link) hanggang Baclaran. Ang kabuuang length of service line ay 20.7 kilometers.
“The extension project extends this service line by 11.7 kilometers covering 10 more stations and will pass through Parañaque and Las Piñas up to Bacoor, Cavite,” ang nakasaad sa report.
Sinundan naman ito ng MRT 7 Project na nagkakahalaga ng P62.7 billion na tumutukoy sa pagtatayo ng 22.8-kilometer rail system mula North Avenue station sa EDSA Quezon City, na daraan sa pamamagitan ng Commonwealth Avenue, Regalado Avenue at Quirino Highway hanggang sa panukalang Intermodal Transportation Terminal (ITT) sa San Jose del Monte, Bulacan. Sakop ng proyektong ito ang 14 stations.
Ang pangatlong proyekto na inaprubahan sa NEDA board meeting ay ang LRT Line 1 North Extension Project – Common Station na nagkakahalaga ng P1.4 billion.
Kasama rin sa inaprubahang proyekto ang Mactan-Cebu International Airport New Passenger Terminal Project na may halagang P17.5 billion.
Ang proyektong ito ay para sa pagtatayo ng bagong passenger terminal, renovation ng existing terminal, operation at maintenance ng bago at ng kasalukuyang passenger terminals habang isinasagawa ang relokasyon ng Philippine Air Force facilities.
Inaprubahan din ang Development of Transportation System at FTI and PRA sa ilalim PPP. Ito ay may kabuuang halaga na P7.7 billion (with cost of land) at P6.1 billion naman kapag walang cost of land.
Ito’y naglalayong i-develop ang dalawang mass transportation terminals sa tinatawag na Southern outskirts ng Metro Manila na matatagpuan sa “South – SLEX Terminal at FTI Property in FTI Compound, Taguig City to serve passengers traveling to and from Laguna and Batangas; South – Coastal Road Terminal at PRA Property beside Asiaworld/Uniwide along Manila-Cavite Expressway (R-1) Expressway in Parañaque City to serve passengers traveling to and from Cavite.
Kabilang din sa inaprubahan ang DOH Modernization of the Philippine Orthopedic Center na may kabuuang halaga na P5.6 billion. Layunin nito na i-modernize ang Philippine Orthopedic Center project na magde- develop ng super specialty tertiary orthopedic hospital na may 700-bed capacity.
Habang ang huli namang inaprubahang proyekto ay ang MWSS Bulacan Bulk Water Supply Project na may kabuuang halaga na P24.4 billion.
Ang Bulacan Bulk Water Supply project ang magbibigay ng potable water supply sa Bulacan.
The post P184.2B halaga ng proyekto, aprub kay PNoy appeared first on Remate.