MULING kinasuhan ng plunder sina Senator Juan Ponce Enrile, Senator Jinggoy Estrada, at Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.
Ang nagsampa ng kaso laban sa kanila ay ang Field Investigation Office (FIO) ng Office of the Ombudsman, hiwalay sa kasong plunder na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanila noong Setyembre.
Inirekomenda ng field investigators ng Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong graft ang tatlong senador, kasama ang ilang empleyado ng gobyerno at mga opisyal na namumuno sa non-government organizations (NGOs) na sangkot sa multi-billion PDAF scam.
Ito ay kaugnay pa rin sa pagkakasangkot nila sa P10 billion pork-barrel scam.
Matatandaan na sinabi ng whistleblower na si Benhur Luy na tumanggap ang tatlong senador ng kickback sa pagpondo sa bogus NGOs ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles mula sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Sa affidavit na isinumite ni Luy, nakatanggap si Senator Revilla ng P224.5 million, si Senator Enrile naman ay nakatanggap ng P172.8 million habang si Senator Estrada ay tumanggap ng P183.79 million.
The post 3 senador kinasuhan pa ng plunder appeared first on Remate.