PINAG-AARALAN na ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng “single multi-currency treasury account” na paglalagyan ng tulong pinansiyal mula sa ibang bansa lalo na sa mga organisasyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa isinagawang pormal na paglulunsad ng Foreign Aid Transparency Hub (FAITH) sa briefing room ng New Executive Building, Malakanyang ay sinabi ni Sec. Abad na kailangan lamang na diretsong pumunta ang kinatawan ng organisasyon ng Pinoy workers sa embahada ng Pilipinas, ilagay ang kanilang donasyon sa single multi-currency treasury account, humingi ng resibo at tingnan sa website ng FAITH ang kanilang donasyon.
Maaari ring makakuha ng regular update ang kahit na sinumang OFWs organization sa kung saan ginamit ang pondo.
“So that’s how this site will operate,” ayon kay Abad.
Ang DFA aniya ang magma-manage ng site.
Sa kabilang dako, nakikipag-ayos naman ang DBM sa FAITH pagdating sa tracking expenditure at disbursements ng gobyerno pagdating sa relief goods, rehabilitation, at reconstruction ng mga bahay na sinira ng bagyong Yolanda.
“So that the DBM can also use FAITH to report to our people all the disbursements for relief, rehabilitation, and reconstruction for ‘Yolanda’ and other calamities,” ayon kay Sec. Abad.
The post DBM, lilikha ng ‘single multi-currency treasury account’ appeared first on Remate.