INIREKOMENDA ng Field Investigation Office (FOI) ng Office of the Ombudsman ang paghahain ng magkakahiwalay na plunder at graft cases kina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Ramon Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada at iba pang sangkot sa P 10 bilyong pork barrel scam.
Maging ang paghahain ng kasong administratibo sa Senate Ethics committee laban sa mga senador ay inirekomenda na rin.
Ang FOI ay nakakuha ng 1,500 na testigo sa mahigit 100 lungsod at munisipalidad sa 39 na probinsya kung saan sinasabing ginastos ang Priority Development Assistance Fund.
Magugunitang nagsimulang mag-imbestiga ang FOI kaugnay ng maanomalyang paggamit ng PDAF noong Hulyo 2013 matapos na lumutang ang mga alegasyon ng whistle blower na si Benhur Luy.
Ngunit ang Department of Justice ay walang naisampang reklamo sa Ombudsman.
Ipadadala sa Special Panel of Investigators ang rekomendasyon ng FOI na magsasagawa ng preliminary investigation at administrative adjudication na isasama sa reklamong inihain ng National Bureau of Investigation noong Setyembre 16.
Ipatatawag sa Special Panel ang mga inaakusahan upang maipagtanggol ang kanilang sarili at magharap ng ebidensya.
Ang desisyon ng Special Panel ay isusumite naman kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na magrerekomenda kung magsasampa ng kaso o hindi sa Sandiganbayan.
The post JPE, Jinggoy at Bong sasampahan ng magkakahiwalay na plunder at graft ng Ombudsman appeared first on Remate.