PATAY ang isang Filipino-Chinese habang marami ang naospital nang malason sa ininom at kinain sa isang branch ng Dakasi restaurant sa Smallville Complex, Diversion Road, Mandurriao, Iloilo City.
Kinilala ang namatay na si Ben Jason Chang, 27, ng Brgy, Dulonan, Arevalo, Iloilo City, habang patuloy namang ginagamot ang iba pa sa pagamutan.
Ayon sa mga biktima, nagsuka at sumakit ang kanilang mga tiyan matapos uminom ng milk tea at kumain ng inihaw na manok sa nasabing restaurant.
Agad namang ipinahinto ng Iloilo City Health Office ang operasyon ng restaurant.
The post Tsinoy patay sa food poisoning appeared first on Remate.