DEPRESYON dahil sa kawalan ng trabaho ang nakikitang dahilan ng awtoridad sa pagpapakamatay ng isang pintor sa Baguio City kanina.
Kinilala ang biktima na si Alberto Cruz, 65, tubong Aringay, La Union.
Ayon sa pulisya, mismong ang manugang nito ang nakakita sa biktima na nakabitin sa kawayang biga ng kanilang tahanan.
Napag-alaman na nagsimulang ma-depress at nagkukulong ang biktima sa silid nito noong buwan pa ng Abril matapos mawalan ng trabaho.
The post Pintor nagpatiwakal dahil sa depresyon appeared first on Remate.